Connect with us

Alice Guo, maaaring maghain ng kanyang kandidatura

Alice Guo, maaaring maghain ng kanyang kandidatura

National News

Alice Guo, maaaring maghain ng kanyang kandidatura

Maaaring maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Alice Guo.

Ayon kay Solicitor General (SolGen) Menardo Guevarra, hindi pa pinal ang dismissal order sa kanya na inilabas ng Office of the Ombudsman bilang mayor sa Bamban, Tarlac.

Paglilinaw naman ng Commission on Elections (Comelec) dito, wala silang sariling kapangyarihan na mag-disqualify o magkansela ng isang kandidato dahil hindi anila tungkulin ang mag-file nito.

Sa panig ni Guo, ninanais nya ring maghain ng kanyang COC dahil sa kanyang supporters at ang mga hindi pa naresolbang mga isyu sa Bamban.

Samantala, naghain na ng kandidatura para sa pagka-senador ngayong araw, Oktubre 3, 2024 si Dr. Willie Ong.

Mismong asawa nito na si Dr. Liza ang nag-file ng COC para sa tinaguriang “Doktor ng Bayan.”

More in National News

Latest News

To Top