Connect with us

Alice Guo, maaaring maging state witness sa POGO investigation

Alice Guo, maaaring maging state witness sa POGO investigation

National News

Alice Guo, maaaring maging state witness sa POGO investigation

Maaaring gawing state witness si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa ginagawang imbestigasyon kontra iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kasalukuyan.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, batay sa republic act no. 6981 o witness protection, security and benefit act, maaaring ilagay sa WPP ang sinumang indibidwal na may kaalaman o impormasyon at handang tumestigo hinggil sa isang krimen.

Kung sisilipin naman ani Gatchalian ang POGO hub sa Bamban, ang lahat na mga dokumento ay sa ilalim ng pangalan ni Mayor Guo kung kaya’t makikitang direktang may kinalaman ito.

Samantala, hinihikayat na rin ng senador ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pangalanan na ang dati umanong cabinet official na susi para sa mabilis na pag-issue ng lisensya sa mga POGO.

More in National News

Latest News

To Top