Connect with us

Alice Guo, maaaring mahaharap sa kasong may kaugnayan sa human trafficking

Alice Guo, maaaring mahaharap sa kasong may kaugnayan sa human trafficking

National News

Alice Guo, maaaring mahaharap sa kasong may kaugnayan sa human trafficking

Maaaring mahaharap sa kasong may kaugnayan sa human trafficking ang suspended Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Sa pahayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ito’y dahil may partial ownership ng property si Guo sa lugar kung saan napaulat na mayroon umanong human trafficking activities.

Sa datos, may share si Guo sa Baofu Land, ang property sa Tarlac na ni-raid dahil sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na kinilala bilang Zun Yuan Technology Inc.

Sinabi nga lang ni Guo na ibinenta nya na ang kanyang share dito bago tumakbo bilang mayor ng Bamban noong 2022.

Subalit ayon sa PAOCC, papanagutin parin ang suspended mayor dahil sya ang lumagda ng lease contracts sa pagitan ng Zun Yuan Technology Inc. at Baofu Land.

Maliban sa human trafficking, maaaring mahaharap rin ito sa money laundering case at iba pa.

More in National News

Latest News

To Top