National News
Alice Guo, naaresto na sa Indonesia
Naaresto na sa Tangerang City, Indonesia si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong madaling araw ng Miyerkules, Setyembre 4, 2024.
Kinumpirma ito mismo ng Department of Justice (DOJ).
Ipinangako ng DOJ na makikipagtulungan ito sa Indonesia para sa kinakailangang legal procedures upang mapauwi na sa Pilipinas ang dating mayora.
Si Guo ay iniuugnay sa mga iligal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) partikular na sa Bamban.