Connect with us

Alternatibong trabaho para sa mga displaced OFWs, pinag-aaralan     

Inulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 200,223 Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang na-repatriate at napauwi na sa kani-kanilang lalawigan, base sa pinakahuling tala nitong ika-20 ng Setyembre.

National News

Alternatibong trabaho para sa mga displaced OFWs, pinag-aaralan     

Kasalukuyang humahanap ang pamahalaan ng alternatibong trabaho sa ibang industriya para sa mga displaced overseas Filipino workers (OFW) dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Interagency Task Force for Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang kanilang aksyon ay para matulungan ang mga OFW na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa masamang dulot ng pandemic sa ekonomiya.

Ani Nograles, kahit na buong mundo ang apektado ng COVID-19 ay may ibang industriya naman na maaaring umunlad.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) katuwang ang technical working group ang posibleng displacement mga manggagawa dito maging sa ibang bansa.

Nauna nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakapagtala na sila ng higit 630,000 displaced workers sa buong Luzon dahil sa enhanced community quarantine.

Samantala, ayon sa DOLE, makakatanggap ng $200 cash subsidy ang mga OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic.

More in National News

Latest News

To Top