Connect with us

Alyas Pikoy sa pag-uugnay kay Liza Marcos at James Kumar sa PDEA leaks: Kathang-isip ko lang

Alyas Pikoy sa pag-uugnay kay Liza Marcos at James Kumar sa PDEA leaks: Kathang-isip ko lang

National News

Alyas Pikoy sa pag-uugnay kay Liza Marcos at James Kumar sa PDEA leaks: Kathang-isip ko lang

Uminit ang diskusyon sa Senado matapos itangggi ni Eric Santiago ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagkakaugnay ni James Kumar at First Lady Liza Araneta Marcos sa naturang isyu.

“Hindi ako ang binobola mo, siya ang binobola mo, para pag bola mo sa kanya mabobola mo rin kami? May video ‘yang usapin niyo eh. Ibig sabihin ganun ka kagaling iho?” ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

“‘Yun ay kathang-isip ko lang kaya pasensya na po kayo,” ayon naman kay Eric “Pikoy” Santiago.

Patuloy na inusisa sa Senado ang kontrobersyal na PDEA leaks o ang mga dokumento na nagdidiin kay Pangulong Bongbong Marcos bilang isang drug user sa taong 2012.

Sa pagdinig, lumutang si Eric Santiago o alias Pikoy ng NAPOLCOM, ang kausap ni Romeo Enriquez sa telepono na nangungumbinse kay dating PDEA Agent Jonathan Morales na wag nang lumantad sa imbestigasyon sa Senado. Ang usapan ay nakunan sa CCTV.

Si Santiago ay pinatawag sa Senado para bigyang linaw kung gaano katotoo ang kanilang usapan sa cellphone kung saan nabanggit ang isang James Kumar at First Lady Araneta Marcos.

Ayon kay Santiago kathang-isip lang ang kanyang mga binanggit na pangalan sa tawag kay Enriquez.

“Sandali. Kathang-isip ang lahat ng sinasabi mo doon. Kinakathang-isip mo itong si…,” ani Bato.

“Kaya nga po humihingi kami ng tawad sa kanya eh,” ani Pikoy.

“Wow di naman kami grade 1 dito. Mga senador kami. Ibig mong sabihin binobola mo lang siya para mabola kami para imbitahin ka dito, para makapagsalita ka nang something against kay Morales,” dagdag pa ni Bato.

Giit ni Santiago sa komite sa Senado na ginamit lamang aniya ang pangalan ni First Lady Liza Araneta Marcos at James Kumar para pasakayin si Enriquez at Morales sa usapan.

“Santiago, kung nambobola ka bakit mo idadamay ang pangalan ni LAM?” saad pa ni Bato.

“Sir para makatotohanan ang storya. Kasi hindi ko po pwedeng bolahin si Romy kung hindi ako magbabanggit ng mga key words na na mag ring sa utak nila sir,” saad naman ni Pikoy.

Sa huli ay hiniling ni santiago na mag presenta sa pagdinig ng ilang dokumento na may kinalaman kay Morales.

Pero duda naman si Sen. Bato sa intensyon ni Santiago kung kayat pinasusumite muna sa komite ang dokumento para ma-review kung mahalaga ba ito sa pagdinig.

Sa kabila ng masalimuot na pagdinig ng Senado kaugnay sa PDEA leaks ay sinabi ni Senador Bato Dela Rosa na magkakaroon ng isa pang pagdinig ang kanyang komite para patuloy itong imbestigahan.

More in National News

Latest News

To Top