Connect with us

Ama ng Ateneo shooting incident suspect, dead on the spot matapos pagbabarilin sa Basilan

Pinaghahanap na ng Lamitan City Police ang mga suspek sa pagpatay sa ama ni Dr. Chao-Tiao Yumol na sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Uncategorized

Ama ng Ateneo shooting incident suspect, dead on the spot matapos pagbabarilin sa Basilan

Dead on the spot ang ama ni Doctor Chao Tiao Yumol, ang suspek sa shooting incident sa Ateneo de Manila University kamakailan.

Ito’y matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Rizal, Lamitan City, Basilan.

Nangyari ang insidente kaninang pasado alas sais ng umaga, Hulyo 29.

Matatandaang nakaraang Linggo, Hulyo 24, napatay sa shooting incident sa tapat ng Arete building sa loob ng campus ng Ateneo si dating Lamitan City, Basilan, Mayor Rose Furigay, ang kanyang aide na si Victor Capistrano at university guard Jeneven Bandiala.

Mabilis namang nahuli ang suspek na si Yumul, 38-taong gulang na residente rin ng Lamitan City, Basilan.

Dahil sa insidente, nakansela ang graduation ng Ateneo Law School kung saan dadalo sana si Furigay para sa kanyang anak.

Abangan ang karagdagang detalye ng balita…………..

More in Uncategorized

Latest News

To Top