Connect with us

Amerika, ilang beses nang binigo ang Pilipinas – Prof. Uy

Amerika, ilang beses nang binigo ang Pilipinas – Prof. Uy

National News

Amerika, ilang beses nang binigo ang Pilipinas – Prof. Uy

Ilang beses nang binigo ng Amerika ang Pilipinas.

Ito ang binigyang-diin ng political analyst at columnist na si Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng Sonshine Radio.

Ito ay kaugnay sa naging pahayag ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa New York Stock Exchange Economic Forum kung saan sinabi ng pangulo na hindi binigo ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga panahon ng krisis.

“From if you look at the historical perspective about peace US relation, ang nagsimula ang Philippine-US relation during the time of colonization of America of the Philippines. And if you trace back history many times over the Philippines, I mean the US failed the Philippines many times and many occasions, if you really look at the history. So parang hindi ako nag-aagree doon sa statement na ‘yun. Recently lang, recent history is like for example, the Marawi siege, the US failed us in that during the time President Duterte was asking them for arms because we need to fight terrorism in Marawi, pero ano ang sabi nila may limited embargo arms embargo tayo hindi tayo pinagbentahan ng armas, anong nangyari? Syempre we went an ask help from China and Russia and they provided us with the needed arms na para labanan ang terorismo diyan sa Marawi during the Marawi siege that’s the another indications that US failed us. Another one is what? During Scarborough shoal stand-off hindi. Nakalimutan ba niya ‘yun? Na US failed us in that regard, so medyo may mga statement siya while he is in the US na para bang sandali lang, probably there is need to trace the historical truth about this thing,” ani Prof. Uy.

Nilinaw ni Prof. Uy na hindi kwestiyunable ang pagiging magkaibigan Pilipinas at Estados Unidos, pero hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na maraming beses nang binigo ng Amerika ang Pilipinas at ito aniya ay nakasulat na sa kasaysayan ng bansa.

Partikular na ipinunto dito ni Uy ang nangyaring Marawi Siege at Scarborough Shoal Standoff.

Dagdag pa ni Prof. Uy, ang Pilipinas ay nagsisilbing outpost ng US sa mahabang panahon at walang kwestiyon sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

“Important both for the country and the international level. Pero ‘yung mga certain things lang dapat na dapat na refine at dapat siguro pinag-isipan muna before pa nadeliver. Kasi, I believe that we need to stand in principle sa lahat ng mga nangyayari sa mundo even and we need to respect our own history I think and ‘yung historical truths na meron tayo because that’s the only way we can say na we are an independent country,” dagdag pa ng propesor.

Kailangan lang aniya na mapanatili ng Pilipinas ang paninindigan nito bilang isang independent country.

Sa kabuuan, inaasahan naman ni Uy na maraming investment ang makukuha ng pangulo mula sa Estados Unidos at mas lalo pang mapagtibay ang ugnayan ng dalawang bansa.

“I hopefully ‘yung work visit niya sa US would generate more investment for us and I hope that you know to certain extend the Philippine-US relations would be strengthened in that sense but I just hope as well that he knows how to reek to calibrate things because if you look at the world right now you have dalawang batong nag-uumpugan, you have two super powers who are nag-uumpugan, tapos in that sense ang Pilipinas ay nagigitna tayo in most cases sa nag-uumpugang dalawang bato na ito. So siguro naman hindi natin gusto na lalo pang magitgit diyan at lalo pang ilagay ang sarili natin na maipit sa nag-uumpugang dalawang bato. And statement especially when you talk statement in international community is very important because thats the way, dun nagsisimula kung paano tayo pine-perceive ng ibang country especially ng China at kung paano tayo pomo-posisyon din sa international community,” saad pa ni Uy.

Nagpaalala din si Uy, na kailangang maging maingat ang Pilipinas para maiwasang maipit sa kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top