International News
Amerika, nagbabala sa China sa patuloy na paggamit nito ng puwersa sa Taiwan
Binalaan ng Amerika ang China laban sa patuloy na paggamit nito ng puwersa sa Taiwan.
Ito ay matapos i-protesta ng Taiwan ang anila ay “reckless” at “provocative” na paglipad ng 2 Chinese fighter jets sa Median line ng Taiwan Strait sa kabila ng tacit agreement.
Giit ni U.S. State Department Spokesman Robert Palladino, mariin nilang kinokondena ang anumang uri unilateral actions ng anumang bansa na naglalayong baguhin ang status quo, kabilang na ang paggamit ng dahas at pwersa.
Sinabi ni Palladino na dapat ay tigilan na ng China ang pananakot at paggamit ng lakas at mas makabubuting muli na lamang makipag-dayalogo sa Taiwan government.
DZARNews