National News
Amerika, walang kinalaman sa maritime issues ng PH-China — foreign ministry
Muling inihayag ng China na walang kinalaman ang Amerika sa isyu ng South China Sea.
Ito ang muling sinabi ng foreign ministry spokesperson ng China na si Lin Jian.
Aniya, ang Amerika ay hindi kabilang sa isyu ng South China Sea at wala aniya itong karapatan na manghimasok sa maritime issues sa pagitan ng China at Pilipinas.
Saad nito, “China made clear its position on the military cooperation between the US and the Philippines more than once. The US is not a party to the issue of the South China Sea and has no right to interfere in the maritime issues between China and the Philippines.”
Binigyang-diin din nito na ang ginagawa ng Pilipinas na pag-iimbita ng ibang bansa sumawsaw sa isyu ay hindi nakakatulong bagkos nagdudulot lang ito ng mas maraming tensyon.
“The Philippines needs to see that ganging up with countries outside the region to engage in confrontation in the South China Sea will only destabilize the region and create more tensions,” ani Lin Jian.
Ang nasabing pahayag ng China ay kasunod ng 500 million US dollar na military aid daw na ibibigay ng Amerka sa Pilipinas.
Kaugnay nito matatandaan na pinalagan ng mga Pilipino ang umanoy iron clad commitment ng Amerika sa Pilipinas dahil sa dami na nang nangyaring tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo ay hindi man lang tumulong ang Amerika.
Isang halimbawa rito ang EDCA na sinasabing magpapalakas daw ng disaster response tuwing may sakuna ngunit ni-isang Amerikano o rubber boat ng Amerikano ay hindi nakitang tumulong sa mga nasalanta noong nagdaang bagyo at habagat.
Idagdag pa ang $500 million USD umano na military aid na malabong matanggap ng Pilipinas dahil hindi pa tinatalakay ng nga mambabatas sa Estados Unidos.