National News
Amnesty scheme sa mga delingkwenteng taxpayer, simula na sa Abril
Magsisimula na sa susunod na buwan ang amnesty scheme sa mga delingkwenteng taxpayer.
Ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tiokno, isinasapinal na ang revenue regulations na sakop ng Tax Amnesty Applications on Delinquencies sa ilalim ng Republic Act no. 11213 o Tax Amnesty Act of 2019.
sinabi ni tiokno na nakatakda nilang ipatupad ang amnesty scheme sa Abril o kapag nailabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas at nailathala na ito sa mga pahayagan.
Inaasahang aabot sa P21.26-B ang magiging kita ng pamahalaan sa amnesty plan sa kasagsagan ng isang taong implementasyon ng nasabing scheme.
Dahil sa tax amnesty ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga delingkwenteng taxpayer na i-update o linisin ang kanilang tax payment records.
Sakop ng batas ang lahat ng National Taxes-Capital Gains Tax, Documentary Stamp Tax, Donor’s Tax, Excise Tax, Income Tax, Percentage Tax, Value-Added Tax (VAT) at Withholding Tax para sa nakalipas na buwis hanggang noong 2017.
