National News
Amphibious exercise, isinagawa sa Balikatan Exercise 2019 ng Pilipinas at Amerika
Nagsagawa ng amphibious exercise ang USS Wasp (LHD-1) ng U.S. Navy at BRP Tarlac ng Philippine Navy sa Naval Education Training Center sa San Antonio, Zambales kaninang umaga.
Bahagi pa rin ito ng balikatan exercise 2019 ng Pilipinas at Amerika.
Halos 50 Philippine marines habang 160 U.S. marines ang nagpartisipa sa amphibious exercise.
Sinabi ni Lt. Commander Liz Vidallon na isa itong magandang oportunidad para sa AFP para ma-praktis ang paggamit ng amphibious assault vehicles.
Kahapon naman ay isinagawa ng mga sundalong Pinoy at Amerikano ang arms live-fire exercise sa Crow Valley sa Tarlac.
Tampok sa isa sa pinakamalaking joint drills para sa balikatan ang integration ng ground at air assets ng pinagsanib na tropa na binubuo ng halos 7,500 na miyembro.
Matatapos ang dalawang linggong balikatan exercise bukas, Abril 12.