Connect with us

Anakalusugan party-list at independent senatorial candidate, nagsanib pwersa

Anakalusugan party-list

National News

Anakalusugan party-list at independent senatorial candidate, nagsanib pwersa

Nagsanib puwersa ngayon ang Anakalusugan Party-list at independent senatorial candidate na si Doc. Willie Ong.

Ayon kay Ong, nagpasya siya sa pakikipag-isa sa Anakalusugan Party-list dahil nakikita niya na magiging mas matibay ang kanilang puwersa sakaling palarin sa election upang mapaunlad at maiayos ang pampublikong ospital at mga pangangailangan na gamot para sa sambayang Pilipino sa bansa.

Naniniwala si Mike Defensor sa kakayahan ni Doc. Ong sa paglilingkod sa bayan lalo na sa pangkalusugan kabilang na sa pagbibigay serbisyo sa ang mga mahihirap nasa remote areas.

Samantala sinabi naman ni Anakalusugan Party-list First nominee Carlo Genete, mayor ng Sta. Teresita, Batangas, pangunahing programa ng kanilang grupo ang pagpapaayos ng hospital facilities, mga equipments, at murang bilihin ng gamot sa bansa.

Naniniwala si Genete, na malaking bagay ang pagsasanib-puwersa ng Anakalusugan at ni Doc Willie Ong.

 

Ulat ni: Jimmy Mendoza

More in National News

Latest News

To Top