National News
Andaya, planong sampahan ng kaso si Diokno sa Ombudsman
PLANO ni House Majority Leadear Rolando Andaya Jr. na sampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Budget Sec. Benjamin Diokno.
Ito ay matapos na matuklasan umano ni Sen. Franklin Drilon ang panibagong P25B “insertion.”
Ito ay sa pondo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa loob ng 2019 national budget.
Ayon kay Andaya, kahalintulad ito sa nauna nang natuklasang 75 billion insertion sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kinuwestiyon din ng kongresista ang pakikialam daw ng isa sa special office ng DBM.
Ito ay sa procurement process ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang taon.
Kasunod ito ng pamamahala umano ng DBM sa procurement sa mga proyekto katulad ng sa subway na dapat ay DOTr ang gumagawa.