Regional
Angat dam, nagbawas ng alokasyon ng suplay ng tubig para sa irigasyon
Binawasan na ang alokasyon para sa irigasyon mula sa Angat dam, Bulacan.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David, simula ngayong araw, Abril a-1, ay bumaba ng 35 cubic meters per second ang suplay ng tubig para sa agrikultura, mula 42 cubic meters per second.
Ipinaliwanag naman ni David na bahagya lamang ang magiging epekto ng bawas-suplay dahil nasa kalagitnaan na ng planting season ang mga magsasaka at mababa ang tubig na kailangan sa ganitong pagkakataon.
Dagdag nito, layunin ng nasabing hakbang na makatulong sa pangangasiwa ng antas ng tubig sa dam at mapanatili ang pangangailangan sa mga susunod pang buwan.
Sa ngayon, sa tala ng PAGASA Hydrology Division ngayong araw ay bumaba pa sa 192.76 meters ang lebel ng tubig sa angat habang bumaba rin ang water level sa La Mesa dam sa 68.53 meters, mas mababa kumpara sa 68.55 meters kahapon.