Connect with us

Anibersaryo ng NPA, paalala sa mga nawalan buhay at paghihirap dulot ng grupo – Lorenzana

Nagpasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Japan sa kanilang donasyon na Humanitarian Assistance and Disaster relief (HADR) equipment

National News

Anibersaryo ng NPA, paalala sa mga nawalan buhay at paghihirap dulot ng grupo – Lorenzana

Paalala ang anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa mga nawalang buhay at paghihirap ng ating mga kababayan dulot ng kanilang armadong pakikibaka.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa paglipas ng mga taon, ipinagmalaki ng NPA ang paggawa ng mga labag sa batas na aktibidad tulad ng pangingikil, pagsira sa mga ari-arian ng mga sibilyan, at pagsira sa gobyerno, lahat sa ngalan ng kanilang tinatawag na ideolohiya.

Gayunpaman, puno ng pag-asa si Lorenzana para sa isang mas progresibo at maunlad na Pilipinas.

Sa ilalim aniya ng inter-agency Task Force Balik-Loob (TFBL), libu-libo ang nabigyan ng pagkakataong mamuhay muli at maging produktibong miyembro ng lipunan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Nanawagan si Lorenzana sa nalalabing miyembro ng NPA na samantalahin ang ibinibigay na pagkakataon sa ilalim ng E-CLIP upang makapagbagong buhay.

More in National News

Latest News

To Top