Showbiz
Anne Curtis, pinakilala na ang kaniyang baby girl sa social media
Ipinakilala na ng aktres na si Anne Curtis-Smith ang first baby nito sa asawang si Erwan Eusaff sa social media.
Kita sa larawan na ipinost ng aktres sa Instagram account nito ang picture ng kaniyang baby girl na naka- white dress.
“Yesterday, we celebrated her 1st month of life. we love you our little Dahlia Amélie. hoping this brings a smile to your face today,” say ng aktres.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita ni Anne ang litrato ng kanyang unica hija sa social media.
Matatandaang noong March 3 nang isilang ng tv/host actress ang unang anak nito kay Erwan na si baby Dahlia Amélie.