Connect with us

Antas ng tubig sa Angat dam, patuloy ang pagbaba

Antas ng tubig sa Angat dam

Metro News

Antas ng tubig sa Angat dam, patuloy ang pagbaba

Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam na pinagkukunan ng suplay ng tubig para sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ay bumaba pa sa 178.95 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito ng 0.55 meters mula sa 179.50 meters kahapon.

Habang sa La Mesa dam ay nasa 68.46 meters ang water level, bahagya itong nadagdagan ng 0.01 meter mula sa 68.45 meters kahapon.

Bukod dito, nabawasan din ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon tulad ng Ipo, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya.

Una nang sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na bunsod ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat ay babawasan pa ang alokasyon para sa irigasyon sa Bulacan at Pampanga ngayong Mayo.

More in Metro News

Latest News

To Top