Regional
Antas ng tubig sa La Mesa dam at Angat dam, patuloy ang pagbaba
Patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa dam maging sa Angat dam.
Ayon PAGASA Hydro-Meteorological Division, alas sais kaninang umaga ay bumagsak sa 68.59 meters ang lebel ng tubig sa la mesa dam.
Mas mababa ito kumpara sa 68.60 meters na naitala kahapon.
Bumagsak naman sa 195.54 meters ang water level sa Angat dam ngayong umaga.
Mas mababa rin ito kumpara sa 195.91 meters kahapon ng umaga.
Una nang ibinabala ng PAGASA na posibleng bumaba sa critical level na 180-meter ang antas ng tubig sa Angat sa katapusan ng Abril.