Regional
Antas ng tubig sa mga dam sa Luzon, patuloy ang pagbaba
Dahil wala pa ring nararanasang pag-ulan, lalo pang bumaba ang antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas-6 kaninang umaga ay bumaba na sa 188.16 meters ang water level sa Angat dam.
Nabawasan ito ng 0.55 meters mula sa 188.71 meters kahapon.
Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.48 meters, nadagdagan ito ng isang punto ng metro mula sa 68.49 meters kahapon.
Ilan pa sa mga dam na nabawasan ang antas ng tubig ay ang Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya.