Connect with us

Anti-communist group, suportado ang pagkondena ni VP Sara sa Makabayan Bloc

Anti-communist group, suportado ang pagkondena ni VP sara sa Makabayan Bloc

National News

Anti-communist group, suportado ang pagkondena ni VP Sara sa Makabayan Bloc

Labis na ikinatuwa ni YAKAP ng Magulang President Relissa Lucena ang tahasan at matapang na pagkondena ni Vice President Sara Duterte laban sa CPP-NPA-NDF.

No description available.

Partikular na sa grupong Makabayan sa mababang kapaulungan ng Kongreso

Ayon sa YAKAP ng Magulang, na kilala bilang anti-communist group sa bansa, kasama anila sila sa paninindigan ng pangalawang pangulo para labanan ang CPP-NPA-NDF sa bansa.

Ayon sa grupo, dahil sa matapang na pagpapahayag na ito ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan, malaking bagay ito upang matigil na ang karahasan sa bansa dala ng makakaliwang teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF.

“Naninindigan ang Yaman, Kalinga at Pagmamahal ng Magulang (YAKAP) kasama ng pangalawang pangulo, Hon. Sara Duterte na kinakailangang paigtingin ang laban sa CPP-NPA-NDF upang tuluyan nang matigil ang walang habas na karahasan at pagri-recruit at panlilinlang ng mga organisasyon nito sa mamamayang Pilipino,” batay sa pahayag ng Yaman, Kalinga at Pagmamahal ng Magulang (YAKAP).

Giit pa ng grupo, hindi anila maitatago ng Makabayan Bloc ang kanilang kasamaan at mapagkunwaring ideolohiya sa pagsusuot lamang ng mga barong habang nakikihalubilo ito sa Kongreso

Dagdag pa nito, mananatiling nakaukit sa kasaysayan ng bansa ang 5 dekada nang madugo at marahas na pakikipaglaban nito sa pamahalaan gayong terorismo lamang ang hatid nito sa bayan

“Hindi maitatago ng barong ng mga kongresista ng Makabayan Bloc at ng mga kasapakat nilang nagkukunwaring tagapagtanggol ng karapatan ng mamamayan. Ang dugo ng mga komunidad na naging biktima ng kanilang limang dekadang terorismo at karahasan,” dagdag pa ng grupo.

Sa huli, mahalaga anilang paglaanan ng oras at panahon ang Makabayan Bloc upang ilantad sa pinakamalawak na hanay ng mamamayan ang kasinungalingan at panlilinlang na ginagawa ng nga organisasyong ito sa kanilang pagsuporta sa terorismo at karahasan ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines.

Nito lamang nakaraang araw nang tahasang pinagtabuyan ng mga residente sa isang sitio sa Batangas ang grupong Karapatan na binubuo ng mahigit 50 kabataan habang nagpupumilit itong kausapin ang pamilya ng pinaniniwalaan nilang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebelde.

Giit ng progresibong grupo, sundalo ang nakapatay sa 9 na taong gulang na si Kyline.

Pero ayon sa AFP, mismong NPA ang nakapatay sa bata.

Sa kanyang official social media account na Facebook, nauna nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi siya magdadalawang-isip na ilantad ang mga kasinungalingan ng Makabayan Bloc at CPP-NPA-NDF sa bansa.

Matapang nitong sinabi na kung hindi nagawa dati ang pagbubulgar sa Makabayan Bloc, gagawin niya ito ngayon.

“Marami na ang naloko ng Makabayan Bloc. Magaling sila sa propaganda at sanay sila sa pagsisinungaling. Sa loob ng maraming panahon, walang naglakas-loob na ilabas ang katotohanan tungkol sa kanila. Gagawin natin ito ngayon,” ani VP Sara.

Ikinalulungkot rin ng pangalawang pangulo, ang libu-libong kabataang nalinlang, sumapi at nasawi dahil s maling pakikipaglaban ng nga prinsipyo at pagnanaw.

No description available.

Sa huli, tahasan ring ipinagtanggol ni VP Sara  ang pagsambit sa relasyon ng Makabayan Bloc sa CPP-NPA-NDF ay hindi red-tagging kundi pagsasabi lamang ng katotohanan sa kanilang mga kasinungalingan.

More in National News

Latest News

To Top