Connect with us

Anti-communist groups, nanawagang ‘wag suportahan si Sen. Pacquiao

Anti-communist groups, nanawagang ‘wag suportahan si Sen. Pacquiao

National News

Anti-communist groups, nanawagang ‘wag suportahan si Sen. Pacquiao

Dismayado ang ilang anti-communist groups sa bansa sa tinuran ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao kung saan pabor na ito sa pagbuwag sa implementasyon ng Anti-Terror Law sa bansa.

Sa panayam ng SMNI News kay League of Parents of the Philippines Founder Remy Rosadio, pinapakita lang aniya ng senador ang pagiging pro CPP-NPA nito.

Kaya hamon nito sa mga botante, mag isip nang mabuti sa mga kandidatong iboboto

“Lahat nalang parang ipinapakita kasi talaga nila na parang pabor sila sa mga CPP, sa Communist Terrorist Group, kaya sana sa mga botante, maging matalino tayo dahil, iyan, pag si Senador Manny Pacquiao ang manalo, ang lahat ng pinaglalaban natin para proteksiyunan ang mga kabataan ay mabalewala, kaya walang magandang mangyayari pag si manny pacquiao ang Manalo,” ani Rosadio.

“Walang magandang mangyayari ‘pag si Manny Pacquiao ang manalo,” giit pa nito.

Giit ng grupo, mali ang pananaw ni Senator Manny sa pangamba nitong maaabuso lamang ang naturang batas.

“Ang Anti-Terror Law naman, hindi naman yan, pag iyan naimplement hindi naman yan maabuso kundi iyan anly proteksiyon din ng ating mamamayang pilipino lalo na ng ating mga kabataan against CPP-NPA-NDF. At saka, ewan ko kung anong pagkaintindi niya,” saad pa ni Rosadio.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay NTF-ELCAC Spokesperson Usec. Lorraine Badoy, tahasan nitong sinabi na salat sa kaalaman si Senator Manny kung bakit pumabor ito para amyendahan at pagbuwag sa nasabing batas.

“Doon mo talaga makikita yung kasalatan ng kaalaman at pag -iisip ni Manny Pacquiao na ipinapakita niya na maliwanag na hindi siya talaga qualified maging pangulo ng ating bansa. Nalinyahan na kasi yan ng CPP-NPA, tingnan mo nga naman yung kanyang slate, nandiyan si Neri Colmenares na isang Urban Operative. Yung linya na lumalabas sa bibig niya ay linya ng CPP na napakaliwanag na ebidensiya na hindi niya kaaway ang CPP-NPA-NDF,” ani Badoy.

Naniniwala si Usec. Badoy na walang dapat na ikatakot ang mga Pilipino sa batas gayong nagsisilbi itong proteksiyon para sa lahat.

“Ang natatakot diyan ay ang mga terorista at ang mga kaalyado nila. So, itong batas na ito will really protect and really move our country forward. Ang ginawa kasi ng mga teroristang ito, ginawang pinakamalungkot na bansa para sa mga nanay, ang Pilipinas dahil sa hindi natin alam, kung ilan na nga yung namatay, pinatay katulad ni Keith Absalon na hindi naman kakaiba yung kay Keith Absalon, noon pa yan nangyayari, yun lang, mayroon na tayonh Age of Information at nalalaman natin. Yung nakakahina dito is that, so many of those crimes were comitted in the dark na ngayon lang natin nalalaman,” giit pa ni Usec. Badoy.

Sa kabila nito, hindi maiwasan ng League of Parents of the Philippines na mangamba lalo na ngayong unti-unti nang nalulisaw ang impluwensya ng NPA sa bansa pero dahil sa pahsuporta ng ilang opisyal ng pamahalaan baka bumalik anila ang delikado estado para sa seguridad ng kanilang mga anak.

“Unang-una, yung ginagawa kasi nilang recruitment sa ating mga kabataan ay talagang nakakatakot, parang wala na silang safety kahit nasa loob sila ng eskwelahan. Lalo na nakikita natin na yung instrumento ng recruitment ay  yung mga MAKABAYAN Bloc, yung KABAG na talagang nirirecruit nila sa activist daw  pero ang totoo niyan, ang kanilang pagrirecruit ay mauuwi yan sa pagiging NPA ng bata,” saad ng LPP founder.

Matatandaang ipinunto ni Pacquiao na hindi niya papayagang maabuso ang kontrobersyal na batas at malimitahan ang karapatan ng publiko kung kayat pabor siyang buwagin ito kung kinakailangan

Nalagdaan bilang batas ang Republic Act 11479 noong July 3, 2020.

37 petisyon ang inihain sa Korte Suprema.

Nitong Disyembre ng nakaraang taon ay idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang 2 bahagi ng Anti-Terror Law.

More in National News

Latest News

To Top