National News
Anti-corruption task force, itinatag ng Department of Agrarian Reform
NAGTATAG ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng Anti-corruption task force.
Bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa katiwalian sa gobyerno.
Pinaiimbestigahan ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa DAR anti-corruption task force ang mga impormasyong natatanggap ng ahensya.
Kabilang dito ang umano’y ilang indibidwal at organisasyon na nagpapakilalang may koneksyon at impluwensya sa mga nakabinbing kaso at aplikasyon sa DAR.
At humihingi ng pera kapalit ng kanilang serbisyo.
Ayon kay Castriciones, mahalaga daw na maimbestigahan ang mga ito.
Para malinis ang ahensya mula sa mga opisyal at kawaning sangkot sa iligal na transaksyon.