Connect with us

Anti-Road Rage Act of 2023, proteksyon sa mga naagrabyado

Anti-Road Rage Act of 2023, proteksyon sa mga naagrabyado

National News

Anti-Road Rage Act of 2023, proteksyon sa mga naagrabyado

Proteksyon sa mga naagrabyado ang inihaing House Bill No. 8991 o “Anti-Road Rage Act of 2023” nina Cong. Erwin Tulfo.

Sa panayam ng Sonshine Radio, magsisilbi rin itong warning sa road-rage drivers ayon sa nabanggit na mambabatas.

Nilinaw naman ni Rep. Tulfo kung ano at sino ang pasimuno ng road rage batay sa kanilang panukala.

Halimbawa na dito ang pagbaba sa sasakyan at pangduduro sa kapwa driver; naghamon na ng suntukan o kaya’y pinagmumura na ang kapwa; nagbubunot na ng baril at iba pa.

Sa panukala, tutulungan rin ang mga naagrabyado na maghain ng kaso lalo na’t tinakot ito.

Batay rin sa panukala, kung walang naitalang injury o pagkamatay sa isang road rage incident, mahaharap ang pasimuno sa 6 na buwan hanggang 1 taon na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P50-K – P100-K.

Kung may naitalang physical injury ay makukulong ang pasimuno ng 2 – 4 na taon at pagkakaroon ng multa ng hindi bababa sa P100-K – P250-K.

Kung nagresulta ng pagkamatay ay mahaharap sa 6 – 12 taon na pagkakakulong ang pasimuno at may multa na P250-K – P500-K.

More in National News

Latest News

To Top