Connect with us

Anti-Terror Law at NTF-ELCAC, bahagi ng Duterte Admin Legacy

Ilan sa bahagi ng legacy ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng Anti-Terrorism Law at pagbuo ng government anti-insurgency task force.

National News

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa unang araw ng Duterte Legacy Summit na iprinesenta ng palasyo upang ipakita ang mga natamo ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Duterte.

Ayon kay Lorenzana, tiyak na makakatulong ang Anti-Terrorism Law sa law enforcement agencies na protektahan ang mga komunidad laban sa terrorismo.

Samantala, pinuri ni Lorenzana ang Executive Order 70 ni Duterte na nagtatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagbibigay ng Barangay Development Programs (BDP) upang paalisin ang mga komunista sa mga barangay.

Ang NTF-ELCAC aniya ang nagbigay daan para sa 2,318 BDP, kabilang ang 103 indigenous people villages.

Bukod dito, sinabi ni Lorenzana na naalis ng task force ang 4,148 barangay ng New Peoples Army (NPA) rebels at nakapagsampa ng 1,403 criminal complaints laban sa mga rebeldeng komunista.

More in National News

Latest News

To Top