National News
Apektadong pamilya sa pag-alburoto ng Bulkang Taal, umabot na sa mahigit 50,000
Umabot na sa mahigit 50,000 pamilya ang apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Sa Laging Handa briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Director Irene Dumlao na simula ng mag-alburuto ang bulkan noong nero a-12 hanggang alas 6 kaninang umaga ay nasa 53,716 pamilya o 215,773 indibwal na ang naitalang apektado.
Sa nasabing bilang, nasa 29,242 pamilya o 112,757 indibwal aniya ang pansamantalang naninirahan sa 416 evacuation center.
Nasa 17,505 pamilya o 69,304 indidwal naman aniya ang kasalukuyang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak o mga kaibigan.
Sinabi ni Dumlao na hanggang ngayong araw, Enero a-20 ay umabot na sa mahigit 7.8 milyong pisong assistance na ang napamahagi ng DSWD sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng pagbibigay ng foods at non-food items.
Samantala, nanawagan si Dumlao sa na makipag-ugnayan muna sa kanilang donations management section sa paghahatid ng tulong at donasyon para sa mga apektado ng Taal Volcano eruption para sa tamang distribusyon nito.