National News
Apela ng DILG at LPP sa Senado ukol sa pondo ng NTF-ELCAC, suportado ng Malacañang
Suportado ng palasyo ang naging apela ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) ukol sa pondo ng Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa Palace briefing, nananawagan si acting Presidential Spokesman Secreatery Karlo Nograles sa Senado na ikonsidera ang kanilang mga naging desisyon.
Ipinunto pa ni Nograles na ang unang-unang maaapektuhan sa pagbawas ng pondo ay ang mga kababayang nasa kanayunan.
Dahil rito, maaaring hindi magkaroon ng kapayapaan sa mga naninirahan sa mga kabundukan kung wala silang makikitang pagbabago o mga development sa kani-kanilang lugar.
Sinabi pa ng kalihim, nagsusumikap ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga lokalidad at umaasa sa mga proyektong hatid ng NTF-ELCAC.
“Tandaan po natin itong mga LGU’s na ito ay mga far-flung geographically isolated disavantaged areas po at pinag-uusapan natin dito iyong po iyong matagal na nilang inaasahan, itong mga proyektong ito ay magsu-sustain ng ating peace and development efforts”, saad ni Nograles.
Matatandaang kapwa umapela ang DILG at ang LPP sa Senado ukol sa pagbawas sa pondo ng NTF-ELCAC.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, maituturing na game changer sa kampanya kontra terorismo ang BBP ng naturang Task Force.
“The support to the Barangay Development Program (SBDP) is a game changer in our battle to end communist terrorism in the country”, pahayag ni DILG Sec. Eduardo Año.
Iginiit pa nito na unti-unti nang nararamdaman ng mga naninirahan sa mga barangay na sakop ng BDP ngayong taon ang tunay na kahulugan ng pagbabago at pagkalinga ng gobyerno na hindi nila naramdaman sa mga nakaraang administrasyon dahil sa mga komunistang terorista.
Sinabi pa ni Año, mayroong momentum upang labanan ang communist terrorism at ang pagtapyas ng pondo para sa programa ng NTF-ELCAC ay maaring makapagbibigay ng “wrong signal” sa LGUs na umaasa rin sa mga development projects ng gobyerno sa mga kanayunan sa susunod na taon.
“We must remeber that the battle against the Communist Terrorist Group (CTGs) is not a battle of arms, it’s also a battle for the hearts and minds of our people,” dagpag pa ni Año.
Sa panig naman ng LPP, sinabi nito na sumusuporta sila sa anti-insurgency program sa ilalim ng Duterte administration kaya’t hinihikayat nila ang Senado na aprubahan ng buo ang panukalang support to the Barangay Development Program sa 2022 appropriations bill.
Matatandaang sa naging pagdinig, ilan sa mga senador ang gustong i-defund o tapyasan ang pondo ng NTF-ELCAC para sana sa kanilang 2022 budget, kabilang na dito sina:
- Franklin Drilon
- Risa Hontiveros
- Kiko Pangilinan
- Sherwin Gatchalian
- Joel Villanueva
- Nancy Binay
- Ping Lacson
- Leila Delima
- Grace Poe
- Sonny Angara
Ang naturang pondo ay gagamitin para sa BDP sa mga kanayunan, nasa halos P28-B na sana ang gagamiting pondo para sa susunod na taon pero tinapyasan ito ng P24-B.
Kung kaya’t, nakikiusap ang palasyo sa Senado na suportahan ang mga proyektong makatutulong sa pagsugpo sa terorismo.
And kaya nga po kami ay nakiki-usap sa Senado na suportahan ang mga proyektong ito, dahil ito ay para sa ikauunlad, ikabubuti ng ating mga kababayan na nasa malayong lugar na matagal na pong umaasa na dahil sa kapayapaan at para sa patuloy na kapayapaan sa kanilang lugar, inaasahan nila na maramdaman itong mga proyektong ito,” ani Sec. Karlo Nograles, acting presidential spokesperson.
Sa ngayon ay patuloy pa ang deliberasyon sa Senado para sa proposed bubget ng NTF-ELCAC sa 2022.