National News
Apela ni suspended Cebu City Mayor Rama, ibinasura ng CA
Hindi pinagbigyan, sa halip ay ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni suspended Cebu City Mayor Michael Rama na humiling na pigilan ang suspension order na ipinataw sa kanya ng Office of the Ombudsman laban sa kanya at sa 7 pang opisyal ng pamahalaang lungsod.
Batay sa desisyon, ibinasura ng CA ang petisyon ni Rama dahil sa kakulangan ng grounds at nabigo umano ang kampo ng alkalde na maghain muna ng mosyon sa opisina ng ombudsman.
Hindi rin umano naisumite ang resibo ng private courier bilang proof of mailing at photo copy lang ng ombudsman decision ang isinumite sa CA.
Matatandaang si Rama at 7 iba pa ay pinatawan ng 6 na buwang suspensyon matapos na inireklamo ng 4 na city hall employees matapos silang nire-assigned sa ibang pwesto at hindi pinasweldo ng 10 buwan.
