Connect with us

Aplikasyon para sa Expanded Equity Subsidy, nagsimula na – LTFRB

Aplikasyon para sa Expanded Equity Subsidy, nagsimula na – LTFRB

National News

Aplikasyon para sa Expanded Equity Subsidy, nagsimula na – LTFRB

Tumatanggap na ng aplikasyon para sa Expanded Equity Subsidy ang  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) upang makakuha ng modernized public utility vehicle.

Ito ay ang subsidiyang ibibigay sa mga transport service entities (TSE) na nakapag-consolidate at may rutang sertipikado ng Board kung saan maaari silang mag-operate gamit ang mga modern PUV.

Mababatid na ang downpayment ay nagkakahalaga ng P80,000 noong 2020, pero tinaasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Equity Subsidy sa P160,000 bilang tugon sa pangangailangan ng mga nais makakuha ng modern PUV sa gitna ng pandemya.

Base sa inilabas na Memorandum Circular No. 2022-063 mula P210,000 hanggang P600,000 na ang equity subsidy na matatanggap ng TSE.

Maaari nang mag-apply ng equity subsidy sa mga private banks, rural banks, cooperative banks at ibang lehitimong financial institution na accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas, rehistrado sa Securities and Exchange Commission at accredited Cooperative Development Authority.

More in National News

Latest News

To Top