National News
Appointment ni VP Robredo bilang co-chairperson ng ICAD, welcome kay PDEA chief Aquino
Welcome kay PDEA chief Aaron Aquino ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Si Aquino ang kasalukuyang chairman ng ICAD na may apatnapu’t limang miyembro.
Naniniwala si Aquino na malaki ang maitutulong at magiging mabuting lider ang bise presidente sa advocacy cluster at rehabilitation cluster ng ICAD.
Sa kabila ito ng naunang pahayag ni Aquino na mabibigo lang ang bise presidente sa pagsugpo sa iligal na droga.
Pagtitiyak naman ni Aquino na suportado si Robredo ng ahensya sakaling tanggapin nito ang posisyon.