Connect with us

Ariana Grande, nagsampa ng $10-M trademark lawsuit laban sa clothing brand na Forever 21

Showbiz

Ariana Grande, nagsampa ng $10-M trademark lawsuit laban sa clothing brand na Forever 21

NAGSAMPA ng nasa $10 million lawsuit ang pop superstar na si Ariana Grande laban sa sikat na clothing line na Forever 21.

Ito ay dahil sa umano paggamit ng clothing brand ng kaniyang look-a-like model para sa kanilang AD campaign.

Sa inihaing trademark lawsuit ni Ariana, nakasaad na ginamit ng Forever 21 ang kaniyang pangalan at imahe sa paggamit ng modelo na kahawig niya sa nasa 30 videos at pictures sa kanilang website at social media.

Bukod dito ay ginamit rin umano ng Forever 21 ang bahagi ng audio at ilang lyrics ng kaniyang no. 1 single na “7 rings” sa pag-promote.

Naganap ang umano “misleading campaign” na ito ng naturang clothing brand noong January at February 2019 bago pa man ang release ng kaniyang “thank u, next” album.

Noong nakaraang taon nang hindi matuloy ang dapat sanang clothing collaboration ng dalawa dahil sa “insufficient offer” ng Forever 21 kay Ariana.

Ulat ni: Patricia Fulo

More in Showbiz

Latest News

To Top