Connect with us

Arm cache ng communist terrorist, nadiskubre sa Isabela

Arm cache ng communist terrorist, nadiskubre sa Isabela

Regional

Arm cache ng communist terrorist, nadiskubre sa Isabela

Nadiskubre ng tropa ng 502nd Infantry Brigade sa ilalim ng Joint Task Force (JTF) Tala ang isang arm cache sa Barangay Disulap, San Mariano, Isabela.

Ayon kay Major General Andrew Costelo, acting commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM), pagmamay-ari ng communist terrorist ang nadiskubreng arm cache.

Nakumpiska dito ang dalawang M16A1 rifle, isang improvised Garand rifle, at iba’t ibang bala.

Natunton ang arm cache dahil sa sumbong ng isang residente.

Nanawagan naman ang militar sa natitirang communist terrorist na magbalik na sa batas at i-avail ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno

More in Regional

Latest News

To Top