Connect with us

Army Reservists at ROTC cadets, tumulong sa relief efforts ng DSWD

Army Reservists at ROTC cadets, tumulong sa relief efforts ng DSWD

Uncategorized

Army Reservists at ROTC cadets, tumulong sa relief efforts ng DSWD

Tumulong ang Philippine Army Reservists at ROTC cadets mula sa 14th Regional Community Defense Group sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghahakot ng relief items.

Ito ay para sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon kahapon.

No description available.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Jorry Baclor na makatutulong ang serbisyo ng AFP reservists at ROTC cadets sa kapakanan ng publiko lalo na sa nation-building, humanitarian assistance, at disaster response.

Binigyang-diin naman ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar na ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa kahalagahan ng ROTC sa panahon ng krisis.

Tulad aniya ng sinabi ng Pangulo, hindi lamang maihahanda ng ROTC ang mga kabataan para sa pagtatanggol ng bansa ngunit magiging bahagi rin sila ng pwersa na mabilis na maide-deploy para sa disaster response operations.

More in Uncategorized

Latest News

To Top