Metro News
Arraignment sa kasong cyber-libel ni Rappler CEO Maria Ressa, ipinagpaliban
Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 ang arraignment sa kasong cyber libel ni Rappler CEO Maria Ressa.
Ito ay dahil sa nakabinbin na motion to squash na inihain ng kampo ni Ressa.
Binigyan ng korte ang Department Of Justice ng sampung araw para magkomento sa inihaing mosyon.
Limang araw naman ang ibinigay sa Rappler para sagutin ang komento ng prosekusyon at panibagong limang araw sa DOJ para maghain ng rejoinder.
Nito lamang Lunes nang inihain ni Ressa, dating reporter Reynaldo Santos Jr. at Rappler Inc. ang petisyon na humihiling na ibasura ang kanilang kaso.
Kasama naman ni Ressa na nagtungo sa korte ang kanyang mga abogado na si Atty. Theodore Te at Atty. Chel Diokno na mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG).
DZARNews