National News
Arrest order para kay Mayor Alice Guo, ipinag-utos ng senado
Ipinag-utos ng senate committee on women, children, family relations, and gender equality ang pag-isyu ng arrest order laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Itoy dahil hindi parin dumalo si Guo sa senate hearing nitong July 10 hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub ng kanyang lugar.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, ang patuloy na pagbabalewala ng kampo ni Guo sa mga subpoena ay isang pagpapakita ng kawalan ng galang nila sa senado.
Sa panig ng mayora, hindi ito makakadalo sa mga hearing dahil sa kanyang health concerns.
Subalit para sa mga senador, posibleng hindi totoo ang sinasabing “health concerns” dahil walang medical certificate na sumusuporta dito.
