National News
ASEAN, hinikayat ng DOLE na magkaroon ng “fair” job opportunity
Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng ASEAN member states na magkaroon ng “fairness” sa pagbibigay ng job opportunity.
Ayon kay DOLE Usec. Carmela Torres, importante ito lalong-lalo na sa panahon ngayon kung saan mabilis ang pagbabago sa global labor market dulot ng technological advancements.
Paraan na rin ito upang maitaguyod ang regional peace and development.
Ang ASEAN (Association of SouthEast Asian Nations) ay binubuo ng Brunei Darussalam, Myanmar, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.