Connect with us

ASF vaccination, ititigil kung makikitang ‘di epektibo– DA

asf-vaccination-ititigil-kung-makikitang-di-epektibo-da

National News

ASF vaccination, ititigil kung makikitang ‘di epektibo– DA

Ititigil agad ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapabakuna ng mga baboy kontra African swine fever (ASF) kung makikita nilang hindi ito epektibo.

Mapapansin na ang controlled vaccination ay isinagawa na sa Lobo, Batangas upang mapigilan ang paglala ng ASF outbreak doon.

Nauna namang hindi pinaboran ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang planong mass vaccination ng mga baboy kontra ASF.

Sa paliwanag ng grupo, ang ginagamit ng bansa na bakuna ay hindi pa aprubado ng World Organisation for Animal Health (WOAH).

Sa katunayan, niisang ASF vaccine ay wala pang approval mula sa nabanggit na intergovernmental organisation.

Kahit na ninanais rin nilang isali sa vaccination ang ibang lugar sa bansa na may naitalang ASF outbreak, mas mainam ayon sa SINAG na antayin na muna ang anim na buwan para makita ang resulta sa controlled vaccination na ginawa sa Lobo, Batangas.

Kung matatapos na anila ang anim na buwan at maganda naman ang resulta ay sasang-ayon na ang grupo sa mass vaccination.

More in National News

Latest News

To Top