Connect with us

Asian tour ng Green Day, ipinagpaliban; concert ng banda sa bansa, kanselado

 Asian tour ng Greenday, ipinagpaliban; concert ng banda sa bansa, kanselado

Showbiz

Asian tour ng Green Day, ipinagpaliban; concert ng banda sa bansa, kanselado

Kabilang na ngayon ang bandang Greenday sa humahabang listahan ng mga international artist na nag-postpone ng kanilang Asian tour dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa isang facebook post, inanunsyo ng American rock band ang desisyong ipagpaliban muna ang kanilang mga shows sa Asia para sa kaligtasan ng mas nakararami.

Greenday

Greenday Facebook post

Giit ng banda, labag sa kanilang kalooban ang naturang desisyon dahil ayaw nilang biguin ang kanilang mga fans ngunit kinakailangan gawin ang hakbang.

Ayon sa “Wake Me Up When September Ends” hitmaker, maghintay na lamang ng announcement para sa reschedule ng kanilang tours.

Dahil dito kanselado na ang kauna-unahan sanang concert ng Greenday sa bansa na dapat isasagawa sa Marso 14 sa Mall of Asia Arena.

More in Showbiz

Latest News

To Top