National News
Asylum request ni Atty. Roque, tinanggap na ng Netherlands
Ibinahagi ni Atty. Harry Roque na tinanggap na ng Netherlands ang kanyang asylum request.
Ang isang naghahanap ng asylum ay isang taong humihingi ng proteksyon sa ibang bansa.
Kapag ito’y maaprubahan, mabibigyan siya ng karapatan sa non-refoulement o hindi pagpapauwi sa Pilipinas hanggang sa desisyunan ng Netherlands ang kanyang kahilingan.
Matatandaang si Roque ay nasangkot sa kasong qualified human trafficking dahil sa umano’y iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) hub na Lucky South 999 Corp.
