Connect with us

Atty. Gadon, nagdududa sa resulta ng senatorial race

Atty. Gadon, nagdududa sa resulta ng senatorial race

National News

Atty. Gadon, nagdududa sa resulta ng senatorial race

Ipinagtataka ni Senatorial candidate Atty. Larry Gadon ang resulta ng senatorial race sa katatapos lang na halalan.

Sa panayam ng Sonshine Radio, naniniwala si Gadon na maaaring may nagmanipula sa resulta ng senatorial race sapagka’t ‘di na nila maggalaw ang resulta ng presidential at vice presidential race.

Giit pa ni Gadon, kung silang tatlo ni Atty. Harry Roque at Atty. Gibo Teodoro ang makakasama sa 19th Congress ay tiyak na maipapasa ang mga batas na kinakailangan ng Marcos Administration.

“Nakakapag-taka na kaming 3 abogado ni BBM, si Gibo Teodoro, si Harry Roque, ay pare-pareho kaming hindi pinalad. And, the likes of Risa Hontiveros, eh ‘yun yung nakapasok. Kaya, Ano to eh, ako ay naniniwala na dahil hindi na nila kayang dayain si BBM at Sara Duterte ay sa Senate sila nagfocus. And, they made sure na ‘yung mga powerhouse lawyers ni BBM ay hindi makapasok para ‘yung Senado ay ‘yung maghari pa rin ay mga luma,” ani Gadon.

Bukod pa dito, ipinagtataka din ni Gadon kung bakit ang mga senador na hindi kasama sa UniTeam at naninira pa kay BBM ang nakapasok.

 “Well, actually hindi sa pagbubuhat ng bangko, among the senatoriables, ako ‘yung pinaka- ‘mostly applauded’. And, even sa mga caravans and motorcades, makikita mo kapag lumalabas ‘yung mga tao. Kaya nakakapagtaka kung paanong nangyari na kami ay natalo. At, parang illogical may 31 million na boto si BBM at parang illogical isipin na ‘yung boboto kay BBM ay boboto kay Cayetano, kay Hontiveros, kay Villanueva. Alam na alam naman natin na walang ginawa ‘yang mga ‘yan,” dagdag pa ng senatorial candidate.

Naghihinala rin si Gadon sa posibleng pakikialam ng Smartmatic sa resulta ng eleksyon.

Aniya, may alok ang Smartmatic sa mga kandidato sa probinsya para manalo ang mga ito kapalit ng pera.

“Marami akong nalaman sa mga probi-probinsya ay nag-alok ang Smartmatic nang pagkapanalo sa mga kandidato kung magbibigay sila ng tamang halaga. Probably, ganoon din ang nangyari diyan sa Senado, kinontrol din ng Smartmatic. Alam naman natin na ang Smartmatic ay CIA-operated ‘yan. And probably, itong pagtanggal dito sa amin diyan sa linya ay pakana ito ng CIA upang mahirapan si Bongbong Marcos doon sa mga talagang adbokasiya na gusto niyang itulak sa Senado,” paglilinaw pa ng abogado.

Sa kabila nito, lubos na nagpapasalamat si Gadon sa Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa malakas na suporta nito para sa kanyang kandidatura.

“Nagpapasalamat din ako sa Kingdom of Jesus Christ, kay Pastor Quiboloy sa pag-suporta din sa akin at maganda naman ang resulta kahit papaano, talaga lang siguro napakasikip noong 12,” saad pa nito.

Samantala, bukas naman si Gadon sa anumang pwesto sa gobyerno na posibleng ibigay sa kanya ng susunod na administrasyon.

More in National News

Latest News

To Top