Connect with us

Atty. Gadon, nagpaabot ng pagmamahal at pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Atty. Gadon, nagpaabot ng pagmamahal at pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy

National News

Atty. Gadon, nagpaabot ng pagmamahal at pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy

“Mahal ka namin at ginagalang ka namin.”

Ito ang naging mensahe ni senatorial aspirant Atty. Larry Gadon para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng SMNI.

Sa kabila ito sa mga isyu na ipinupukol laban sa butihing pastor kamakailan.

Ayon kay Gadon, isang matibay at malakas kasi na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pastor Apollo kung kaya’t tinitira na rin ito ng mga kalaban ng pangulo.

Kung mapapansin aniya, marami nang propaganda ang ibinabato laban kay Pang. Duterte subalit hindi parin ito natitinag, dahilan para ibaling nila ang kanilang atensyon sa mga nagtatanggol dito at isa na si Pastor Apollo.

Binigyang-diin ni Gadon na huwag nalang umano itong pansinin ng butihing pastor dahil puro kasinungalingan lang naman din ang pinagsasabi laban sa kanya.

Nagpasalamat naman si Gadon sa tiwala na ibinigay ni Pastor Apollo sa kanya.

Sa programang Powerline ng butihing pastor kamakailan, inirekomenda kasi nito si Gadon na magaling na abogadong makakatulong kay David Dimuzio.

Si Dimuzio ay isang singer at music producer na naghahanap ng matinong abogado upang matulungan ito sa kanyang hinaing laban sa ABS-CBN.

Kahit piso aniya para sa royalties ng mga kantang ini-release niya sa record label ng network ay hindi pa sya nababayaran sa loob ng mahigit pitong taon.

More in National News

Latest News

To Top