Connect with us

Atty. Harry Roque at Atty. Glenn Chong, nanguna sa TAPS leaders’ forum ng Duterte supporters sa NegOr

Atty. Harry Roque at Atty. Glenn Chong, nanguna sa TAPS leaders’ forum ng Duterte supporters sa NegOr

Regional

Atty. Harry Roque at Atty. Glenn Chong, nanguna sa TAPS leaders’ forum ng Duterte supporters sa NegOr

Nagsama-sama ang mga Duterte supporter and organization leaders sa isang leaders forum na pinamagatang DDS: Defend the Flag – Transparency, Accountability, Peace and Security (TAPS) sa Dumaguete City lalawigan ng Negros Oriental araw ng Sabado, ika-6 ng Abril.

Kabilang sa mga naging resource person ay sina retired Navy Col. Rey Lopez na tinalakay ang kahalagahan ng kapayapaan at seguridad; ang anti-election fraud advocate na si Atty. Glenn Chong at dating Palace Spokesperson Atty. Harry Roque na pinag-usapan ang patungkol sa transparency at accountability.

“Itong aking presentasyon ay aking ginawa upang mabuksan ang pagiisip nating lahat. Isa itong presentasyon na bunga ng aking pagsasaliksik noong sinimulan ko ang Armed Forces Cyber Command,” ayon kay Retired Navy Colonel, Rey Lopez.

“Kung tama ang ating pagpili, tayong lahat ay papalarin dahil sa tama nating pagpili. Kung magkakamali naman tayo, tayo rin ay sama-samang magdusa. ‘Di ba?” ayon naman kay Anti-Election Fraud Advocate, Atty. Glenn Chong.

Ayon sa mga ito, mahalagang maintindihan, hindi lang ng mga taga- Negros Oriental kundi ng taumbayan sa buong bansa.

Ayon naman sa isa sa mga organizer ng pagtitipon na mula sa national, hanggang sa provincial ay ipakakalat din nila ang mga panawagang ito hanggang sa makaabot sa bawat komunidad.

Admar Vilando

More in Regional

Latest News

To Top