Connect with us

Atty. Panelo, may babala sa mga kumakalaban kay VP Sara

Atty. Panelo, may babala sa mga kumakalaban kay VP Sara

National News

Atty. Panelo, may babala sa mga kumakalaban kay VP Sara

“’Yan kasi ang problema sa inyo, nagkukunwari-wari pa kayo, talagang gusto niyo lang i-impeach…

Naku, maniwala kayo, pag ginawa niyo iyan, the clock will kick and it’s the beginning of your end.”  

Ito ang paalala ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa mga mambabatas sa Kamara.

Kasunod ito ng patuloy na panggigipit kay Vice President Sara Duterte sa usapin ng paggastos ng pondo ng Office of the Vice President (OVP).

Nitong Miyerkules, Setyembre 18, 2024, matatandaang nagsagawa ng pagdinig in-aid of legislation ang House Committee on Good Governance and Public Accountability sa naturang isyu.

Sa simula pa lang ng pagdinig ay tumanggi ng manumpa si VP Sara dahil resource person lang aniya ang kanyang imbitasyon at hindi witness.

Sa rules ng Kamara, witness lamang ang inoobliga na manumpa sa harap ng komite.

Sa naging mensahe naman ni VP Sara, binigyan-diin nito na politika ang dahilan ng mga imbestigasyon ng Kamara sa kanyang tanggapan.

Hindi rin aniya isyu dito ang pondo dahil ang tunay na pakay ng imbestigasyon laban sa kanya ayon sa pangalawang pangulo ay impeachment.

Bagamat hindi naman nagtagumpay ang Kamara na gisahin si VP Sara, inaasahan ni Atty. Panelo na magpapatuloy pa ang pag-atake sa pangalawang pangulo. “Sa mga kababayan natin, huwag kayong umasa na titigil ‘yang mga iyan. Itutuloy pa rin nila iyan, maniwala kayo. They will pursue their evil scheme.”

More in National News

Latest News

To Top