Connect with us

Atty. Roque, pinabulaanan ang paratang ng PAGCOR laban sa kanya

Atty. Roque, pinabulaanan ang paratang ng PAGCOR laban sa kanya

National News

Atty. Roque, pinabulaanan ang paratang ng PAGCOR laban sa kanya

Pinabulaanan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang paratang na nagsilbi syang Liaison o representative para sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub ng Porac, Pampanga.

Tugon ito ng abogado sa ibinunyag ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco sa senate hearing ngayong araw, July 10 hinggil sa nauna na nitong pahayag na mayroon umanong dating high-ranking government official na sangkot sa pagpapabilis ng release ng lisensya para sa 1 POGO operation.

Paglilinaw ni Roque, tanging sa Whirlwind Corporation, 1 service provider sa Lucky South 99 lang sya nagsisilbing abogado.

Ibig sabihin, hindi sya abogado ng Lucky South 99 na syang may-ari ng POGO hub sa Porac.

Kung pinagbabatayan lang aniya sa mga paratang laban sa kanya ang nakitang organizational chart sa Lucky South 99, binigyang-diin ni Roque na walang patunay na may consent syang ilagay o alam nyang isasali ang kanyang pangalan sa chart.

Hinggil rin sa sinabi ni PAGCOR Chair Tengco na nakipagkita si Roque sa kanya kasama si Ms. Cassandra Ong na nagpakilalang authorized representative ng Lucky South 99, nilinaw ng abogado na sumama sya dito dahil sa paniniwalang biktima ang Lucky South 99 ng estafa.

Ang pagbisita aniya ni Ms. Ong sa PAGCOR ay para mai-settle ang arrears o inutang na $500-Kng lucky south 99 sa PAGCOR.

Sinabi ni Ms. Ong na ibinigay nya ang bayad sa utang kay Dennis Cunanan na syang Official POGO Liaison para sa PAGCOR ngunit hindi ito naibigay.

More in National News

Latest News

To Top