National News
Atty. Topacio, muling iginiit na dapat magpaliwanag ang DOJ sa paglabas ng fake news laban kay dating Cong. Teves
Nanindigan at muling iginiit ng kampo ni dating Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr. na dapat magpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) sa pahayag na tinangkang suhulan ng $2-K ng anak ni Teves ang miyembro ng Criminal Investigation Police sa Timor Leste kapalit ng special treatment.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, na nabiktima ng fake news si Justice Secretary Crispin Remulla na siya mismong nagpahayag ng maling balita sa mga mamamahayag.
Nauna ng nilinaw ni Topacio na hindi nanuhol ang anak ni Teves, sa halip ay hiningian ito ng pera ng pulis sa Timor Leste para mabigyan umano ng special treatment ang ama.
Kinumpirma naman ni Topacio na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa isyu o alegasyon, matapos na iniutos mismo ni Timor Leste President Ramos Horta na alamin ang katotohanan.
