Connect with us

Atty. Trixie Cruz Angeles, susunod na PCOO chief sa ilalim ng Marcos administration

Atty. Trixie Cruz Angeles, susunod na PCOO chief sa ilalim ng Marcos administration

National News

Atty. Trixie Cruz Angeles, susunod na PCOO chief sa ilalim ng Marcos administration

Napili ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr. ang radio commentator at famous online vlogger na si Attorney Rose Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles bilang Press Secretary ng kanyang administrasyon.

Sa official statement, sinabi ni atty. Vic Rodriguez, ang incoming executive secretary ng susunod na adminsitrasyon na tinanggap na ni Angeles ang nominasyon bilang press secretary na siyang mamumuno sa Presidential Communication Operations Office (PCOO).

Ayon kay Rodriguez, ang pangunahing tungkulin ni Angeles ay pangasiwaan ang operasyon ng PCOO kabilang dito ang pagsasagawa ng regular press briefing sa media na saklaw ang aktibidad ng Malacañang.

Sinabi ni Rodriguez na una nang inanunsyo ni Marcos na wala siyang itatalagang presidential spokesperson kung kaya’t magiging “talking head” si Angeles sa mga press briefing.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top