Connect with us

Auditing ng BFP sa fire inspection fees, hindi tugma kaya walang nai-release ang 20% share ng LGUs – BFP

Auditing ng BFP sa fire inspection fees, hindi tugma kaya walang nai-release ang 20% share ng LGUs - BFP

Metro News

Auditing ng BFP sa fire inspection fees, hindi tugma kaya walang nai-release ang 20% share ng LGUs – BFP

Nagkataong hindi tugma ang auditing ng Bureau of Treasury at Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa fs.

Ayon kay BFP Chief Louie Puracan sa panayam ng Sonshine Radio, inaayos na nila ito upang matugunan ang isyung hindi umano nai-release ng BFP ang aabot sa P300-M na share para sa mga LGU.

“Ito ‘yung may concern lang kasi nagkaroon lang kaunting sabihin nating discrepancy doon sa computation nung exact figure talaga. May discrepancy ‘yung computation ng BTr at saka ng Bureau of Fire. Sana ma-reconcile na kaaagad. Target natin dito, before the year end matatapos na siya para pag nareconcile na ‘yun. Mare-release na papunta sa mga local government unit ‘yung share ng 20% nila,” ani Puracan.

Sa ilalim ng Fire Code of the Philippines, binibigyang mandato ang BFP na mag-remit ng 20% mula sa kanilang fire inspection fees sa LGUs.

Gagamitin ito ng mga LGU sa anumang proyekto na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng hanay ng lokal na fire station nila gaya ng mga fire truck, bunker coats at iba pa.

Samantala, sa susunod na taon ay ipinanukala ng BFP ang P26.78-B na pondo para sa kanilang hanay.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top