Connect with us

Australia, iniulat ang kanilang unang kaso ng Monkeypox

Australia, iniulat ang kanilang unang kaso ng Monkeypox

International News

Australia, iniulat ang kanilang unang kaso ng Monkeypox

Iniulat ng Australia na nagkaroon na ito ng unang kaso ng Monkeypox.

Ayon sa Health Department ng Victoria, Australia, isang 30-years old na lalaki ang kumpirmadong may kaso ng Monkeypox habang isang probable case naman mula sa isang 40-years old na lalaki sa Sydney ang napag-alaman ng ahensya.

Ang 40-years old na lalaki ay kakabalik lang sa Australia mula sa Europe.

Kamakailan ay umusbong ang kaso ng Monkeypox sa mga bansa tulad ng Britain, Italy, Portugal, Spain, Canada at Estados Unidos.

Pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo at skin rashes na nagsisimula sa mukha hanggang sa buong katawan ang sintomas ng Monkeypox.

Nakakahawa lang naman ito kung magkaroon ng close contact sa mga taong infected ng sakit.

Nilinaw na rin ni New South Wales State Chief Health Officer Kerry Chant na hindi ito mabilis lumaganap gaya ng COVID-19 o flu kung kaya’t walang dapat ikabahala.

Inalerto na rin nila ang kanilang mga hospital para makapaghanda hinggil dito.

More in International News

Latest News

To Top