National News
Australia, naglabas ng babala kaugnay ng polio outbreak sa Pilipinas
BINALAAN ng pamahalaan ng Australia ang mga mamamayan nito sa nagaganap na polio outbreak sa Pilipinas.
Sa inilabas na abiso ng Australian government sa kanilang official website na Smartraveller, pinapayuhan ang mga Australian citizen na tiyakin na nagpabakuna muna laban sa polio bago bumisita sa Pilipinas.
Ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng naturang sakit at pigilan ang posibilidad na pagdala ng polio sa kanilang bansa.
Magugunitang nauna nang naglabas ng travel advisory ang Australia na nagaabiso na huwag bumiyahe sa central at western Mindanao kabilang ang Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago at Southern Sulu Sea dahil naman sa banta ng terorismo, kidnapping at karahasan.
