Connect with us

Australian Ambassador, nagkaroon ng exit call sa DND OIC

Nagkaroon ng exit call si outgoing Australian Ambassador to the Philippines, Steven Robinson kay Defense OIC Undersecretary Jose Faustino Jr. sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

National News

Ito ay kasabay ng pagtatapos ng tour of duty ni Robinson sa bansa.

Binati ni Robinson si Faustino sa kanyang appointment bilang OIC ng Department of National Defense (DND), at susunod na Kalihim pagsapit ng Nobyembre 2022.

Kapwa nagpahayag ng pasasalamat ang dalawang opisyal sa pagsisikap na palalimin at palakasin ang bilateral defense relations ng Pilipinas at Australia.

Binigyang-diin ni Robinson ang matagal nang defense cooperation sa pagitan ng dalawang bansa na mahalaga sa pagpapatupad ng iba pang mga haligi ng kooperasyon, kabilang ang development assistance program ng Australia sa Mindanao.

Samantala, inimbitahan ni Robinson si Faustino na bumisita sa Australia.

More in National News

Latest News

To Top